Atenista Sa Dilim

10.03.2014

—-

Doon sa ikatlong palapag, madilim, mainit, maalinsangan, masaya. Doon kita unang nakilala.  Doon sa ikatlong palapag, una tayong nagkausap, kahit madaming humihila sa dilim, nakapag-usap tayo kahit ilang saglit lang.

Minsan lalapit ka, minsan lalapit ako. Doon sa ikatlong palapag. Sa dilim ng sulok natin, naaninag ko ang talino sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo.

Doon sa ikatlong palapag, minsan tinanong kita, “Bakit mo ginagawa yon?”, nagalit ka at iniwan mo ako. Mula noon, hindi na tayo nagtagpo. Doon sa ikatlong palapag.

Kanina nalaman ko, hindi ka na pala talaga babalik sa ikatlong palapag. Kahit kailan.  Kanina nalaman ko, namahinga ka na daw nong Abril pa.

Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon tulungan ka. Hindi mo ako hinayaan na alalayan ka.

Doon sa ikatlong palapag, madilim. maligaya.

Pero wala ka na. Sana nagpaalam ka. Sana man lang. Nagsabi ka.

Advertisements

About +daddy+drEw+

HIV awareness and treatment Advocate & Activist. Living with HIV since 2007. A friend. A partner. A dad to the HIV Community.
This entry was posted in Advocacy. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s